Fort Santiago
Sa Fort Santiago ikinulong si Jose Rizal bago siya barilin sa bagumbayan. Kami ay nag lakbay sa Fort Santiago upang matuklasan ang makasaysayang pangyayari na iniwan ni Jose Rizal sa lugar na iyon.

Sadyang kaakit-akit ang lugar sapagkat hitik sa kasaysayan ang makikita mo rito. Pagpasok mo pa lang sa gusali ay matatanaw mo ang arkong may mala-arkitekturang disenyo na sadyang nakakabighani sa mga na mamasyal.

Pagpasok mo sa arko ay mapapansin ang metal na yapak na kung saan ay sinasabing rutang nilakad ni Rizal bago siya hatulan ng kamatayan.Sa dulo ng mga metal na yapak ay masisilayan ang Selda kung saan ikinulong ang pambansang bayani.
Habang kami ay namamasyal, napansin namin na may gusaling puno ng makasaysayang impormasyon tungkol kay Rizal. Makikita roon ang larawan, gamit ni Rizal sa pangagamot at mga babasahin na ginawa niya tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nakakaaliw rin ang mga Estatwa na mala-tao ang
laki na sadyang nagdadagdag ng ganda sa lugar.
Dating kinatatayuan ng Ateneo Municipal De
Manila
Nag aral si Rizal sa Ateneo Municipal De
Manila at nakatanggap ng karangalan bilang "sobresalient".Ngunit sa kasamaang palad ay natupok ng apoy ang unibersidad noong
1932.
Habang binabaybay namin ang lugar sa intramuros ay mabuti nalang at may nakita kaming mapa kung saan magtuturo sa amin ng ibat-ibang lokasyon sa lugar.
Nakakalito man ang mga pasikot-sikot sa lugar na iyon ay nasisiyahan parin kami sa mga tanawin na aming nakikita sa lugar.
namin
ang dating
Unibersidad ng Ateneo ay sadyang
nanghinayang kami sa nasunog na gusali. Isang tent na lamang ang sumusuporta
rito at binabantayan na lamang ito ng mga gwardya. Sa unang tingin akala namin
ay hindi iyon ang dating Ateneo, mabuti na lamang ay nakita namin ang marker sa
harap ng gusali.
Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas
Sa Unibersidad ng Santo Tomas kumuha ng kursong Optalmolohiya si Rizal para gamutin ang kanyang ina. Nahirapan kami hanapin ang dating gusali na kinatatayuan ng Santo Tomas sapagkat tinayuan na ito ng bagong komersyal na gusali.
Bago pa namin natagpuan ang dating unibersidad ay napadpad kami sa Plaza ng Santo Tomas, akala namin ay iyon na ang lokasyon na hinahanap namin, mabuti na lamang ay may nakapagturo sa amin kung saan ang gusali na kinatatayuan ng unibersidad noon. Nagkalito-lito man kami sa paghahanap ng lokasyon ay sulit sa amin ang mga natutunan at nadiskubre namin sa paglalakbay.
Lugar ng paglilitis ni Dr Jose Rizal
Sa Cuartel de Sta. Lucia inilitis si Rizal.
Mapapansin sa lugar na hindi buo ang gusali at ang harap lamang ang nakatayo
roon. Isa na lamang itong parke at hindi ito masyadong napapansin ng mga
namamasyal sa lugar sapagkat harap lang ng gusali ang nakatayo roon. Ang marker
na lang ang nagpapatunay na isang makasaysayan ang lugar na iyon sa buhay ng ating
bayani. Malawak ang lugar kung kaya’t madaming estudyante ang nag sasanay ng
kanilang Gawain sa paaralan tulad ng pagsasayaw, talumpati atbp.

Ang Pambansang Museo ay isang gobyernong institusyon na nangangalaga ng mga maksaysayang likha at obra na naging parte sa pagbuo ng kasaysayan ng ating bansa. Nakakabighani ang gusali sapagkat kaakit-akit ang arkitekturang disenyo nito.

Nagtungo kami sa Gallery 5 kung saan matatagpuan ang mga obra na patungkol kay Rizal. Makikita sa loob ang mga larawan na ipininta ng ibat-ibang pintor na patungkol kay Rizal at mayroon ding “sculpture”. Mahigpit ang Museo sa pagkuha ng mga litrato sa loob para na rin pangalagaan ang mga gamit doon kung

Naglibot rin kami sa ibat-iba pang gallery upang maghanap pa ng ibang obra na patungkol kay Rizal. Nakita namin ang isang larawan kung saan andoon si Rizal, iyon ay ang “Filipinos Ilustres” , ang kanyang “Ultimo Adios” at ang kanyang kasabihan na nakasalin sa wikang Cebuano. Nabusog ang aming mga mata at kaalaman sa aming nakita sa Museo.
Sinasabi na sa tahanan ni Higino Francisco
iniligay ang unang sipi ng Noli Me Tangere at dito rin inilagay ang bangkay ni
Rizal bago dalhin sa Luneta.
Eto ang pinakamahirap na lugar na aming hinanap sa lahat. Sapagkat hindi pamilyar sa mga taga-binondo ang patungkol sa tahanan ni Higino Francisco, kung kaya’t nagtanong kami sa aming mga kapwa kamag-aral na nakapunta na sa lugar na iyon upang mahanap namin ang lokasyon.
Nang marating namin ang lugar ay bakanteng lote na lamang ito at wala na rin mismo ang marker na nakapaskil doon. Napapaligiran na lamang ng mga nag titinda at nakaparkeng mga sasakyan ang lugar. Sabi ng mga tao doon na malayo daw kasi sa intramuros ang bahay ni Higino kung kaya’t kinuha ang marker at duon na lamang ilalagay. Tila naglalaho na ang kahalagahan ng tahanan ni Higino sa lugar na iyon sapagkat ito ay tatayuan na lamang ng bagong gusali.

Bago inilibing sa Luneta si Rizal ay sa
Paco Cemetery namalagi ang kanyang bangkay. Mahirap na pagsubok ang dinanas
namin sa lugar na iyon sapagkat sarado na ang Cemetery nang kami ay pumunta.
Hindi namin alam na may time limit pala ang pagbisita sa lugar na iyon, mabuti na lamang ay napakiusapan namin ang guard na nakabantay duon upang kumuha ng litrato sa puntod ni Jose Rizal. Kahit na saglit lang ang pamamalagi namin duon ay masasabi kong naalagaan mabuti ang lugar na iyon sapagkat maganda ang tanawin ng paligid at malinis.

Ang Luneta Park ang pinaka kilalang pasyalan
sa Maynila. Sa lawak ng lugar na ito ay madaming tao ang gustong mag aliw-aliw
at kumuha ng litrato sa bantayog ni Rizal.
Ngunit madami ang nakapansin sa gusali ng Torre de Manila na nakakasira umano sa tanawin ng bantayog ni Rizal.
Habang kami ay naglalakad ay may napansin kaming grupo ng mga tao na nag wewelga na gibain ang Torre de Manila sapagkat sinisira nito ang tanawin sa Luneta.
Ngunit hindi na lang pinansin ng ibang tao ang welgang ginawa ng grupo, bagkus ay nag saya na lang sila sa pamamasyal sa parke.
Kaakit-akit parin sa mga turista ang ganda ng bantayog ni Rizal sapagkat inaalagaan nila ito ng mabuti at laging bantay sarado ng mga guwardya sa paligid. Sinisimbulo nito ang kahalagahan ni Rizal sa ating kasaysayan at ang kanyang mga naiambag.
Sa kabuuan ng aming paglalakbay ay masasabi kong marami akong na diskubre tungkol sa ating bayani na ngayon ko lang na intindihan. Ang mga lugar na ibinabanggit sa amin pag nag tuturo ay pinuntahan namin mismo upang kami ang mag diskubre at matuto. Marahil karamihan sa atin ay hindi interesado sa ganda ng kasaysayan na iniambag ni Rizal, ngunit dahil sa lakbay aral lubos kong natutunan ang mga pangyayaring naganap sa panahon na ipinaglaban niya ang ating bansa upang makamit ang kalayaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento